Tuwing nagkakaroon ng Miss Universe pageant, lumalabas ang pagiging competitive nating mga Pilipino. Nais nating ibandera ang ating kandidata, lalong-lalo na sa social media. Ngunit sa pagka-competitive ng ibang pageant enthusiasts, lumalabas rin ang pagiging laitera ng ilang Pinoy sa ibang tao.
Kamakailan lang, naglabas ng saloobin ang isa sa mga kandidata sa nagdaang Miss Universe pageant laban sa mga Pinoy bashers niya.
Ayon kay Miss Bahrain Jess Deyani, inulan ng panlalait ang kanyang larawan kung saan kasama niya ang ibang kandidata. Ani Dayani ay puro mga Pinoy ang nag-iwan ng di magandang komento.

Read More: Sikat na Aktres, Ginulat ang mga Fans sa Bagong Trabaho Niya Ngayon sa Amerika!
“Pagod na si Miss Bahrain, pauwiin na yan.”
“Bahrain, kaya pa ba today?”
“Yung Bahrain parang pinilit sumali, masama ata loob.”
“Parang ang daming nilabhan ni Bahrain.”
Sa nasabing larawan, kasama ni Miss Universe Bahrain sina Miss Universe Bolivia Nahemi Uequin, Miss Universe Chile Antonia Cristal Figueroa, at Miss Universe Czech Republic Karolina Kokesova.
Sa larawan, tila hindi pa handa si Jess na makunan ng larawan dahil hindi man lang siya nakangiti at hindi pumormang beauty queen.

Naglabas naman si Miss Bahrain ng official statement laban sa mga ‘bullies’ na ito. Sa kanyang pahayag, nilinaw rin ni Miss Bahrain na hindi lamang kanyang bansa ang ini-rerepresent niya, kundi lahat ng babae mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
“I see so many bullies from these pictures. I am here to have a representation for all women regardless of the shape, size, religion, or color. For the people who spread hate on social media-I have nothing but love for all of you. I hope that you find peace in your heart as me and my co-sisters unite to break the world’s stereotypes of beauty.”
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang Bahrain sa Miss Universe pageant. Bilang pagsunod sa kanyang relihiyon, hindi rin nagsuot ng swimsuit si Jess Deyani, sa halip ay rumampa pa rin ito suot ang kanyang mahabang outfit.

Read Also: Dra. Belo, Ibinahagi ang Mapait na Karanasan Kung Bakit Ayaw Niyang Nagse-Celebrate ng Birthday
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment